
| ||
|
30 day challenge (day 4)
DAY 4 (Source: maramcmthisismystory) 30 day challenge (day 3)
DAY 3 (Source: maramcmthisismystory) [Flash 10 is required to watch video] ending of dear sungit. im done remembering. nagtext na sya, hahanapin nya daw sarili nya, di na sya masaya. that’s it. THE END. (Source: maramcmthisismystory) Dear Sungit,Yolo… You only live once. You only have one first love. Ang sakit pre. Sobra. Ang sakit sakit. Naglilinis na ako ng mga gamit ko, nagtatanggal ng kailangan itapon sa wallet para lahat bago. Tapos hayun, andun yung mga inipong resibo sa mga dinners natin. Pare ang sakit talaga, sobra, naiiyak nalang talaga ako kasi ayoko na eh. Pagod na pagod na talaga ako. hindi ko na kaya. Gusto ko ng sumuko. Hindi ako susuko sabi ko sayo pero hindi ko na talaga kaya. Ayoko na, pagod na pagod na ako. hindi na ako makahinga sa sobrang sakit. Oo masakit, literal na masakit, parang dinudurog yung puso mo. Tang ina, try mo kaya? Magmahal ng katulad mo tas bigla ka nalang iiwanan sa ere. Tang ina mo lang talaga, gago ka! Inipon ko sa isang box lahat ng gamit na makakpagpaalala sakin tungkol sayo tapos sineal ko na. hindi ko na bubuksan yun. Hindi ko itatapon, itatago ko lang, malay mo, in a few years, pagtatawanan ko nalang yung sarili ko na nagmahal ng isang gago na katulad mo. Hindi ko na talaga kaya, parang awa mo na, ayoko na. Lord, tapusin nyo na po yung paghihirap ko. hindi na talaga kaya ng powers ko, susukuan ko na to. Tangina talaga, ito nanaman ako, umiiyak. Hindi ko na pwede ituloy to or else hahagulgol nanaman ako. Gago ka pare, tandaan mo yan, never ako nagalit sa isang tao ng ganito ka grabe, ngayon lang, kasi ang sakit eh. Mara 5/21/2012 (Source: maramcmthisismystory) Dear Sungit,Hi, Today was wala lang talaga. Maaga nagising, puro online, natulog ng tanghali and nagsimba. Pero all throughout the day, magkatext kami ni James. Comfortable na ako sa kanya pero nung biglang may nagkatopic about sa love. Nung naisip kita, nasaktan nanaman ako and akala ko kaya kong ikwento sa ibang tao, sa bagong tao to share it as an experience pero hindi ko pa din kaya. Ang ginawa ko nalang, change topic agad. Nakakatuwa sya, bata pa nga kasi, pero medyo matured na magisip yun nga lang, hindi sanay sa gimickan. Nerdy ata ang dating kasi accountancy pero mayaman sya. Andami naming napagusapan habang magkatext and at the same time, nagsusulat ako ng nobela. 10 more days, titigil na din ako sa kakasulat sayo para hindi ko na mapahirapan masyado ang sarili ko. magpapasukan na, kailangan ko ng ayusin yung buhay ko at kung wala ka na talagang planong bumalik sakin, siguro hanggang dun nalang talaga yun. Masakit eh, sobra, tao ako, minsan tanga, minsan matalino. Pero siguro nga, talo ako, kasi ako yung iniwan, ako yung sobrang nasaktan at hindi naman siguro masamang matalo diba? Through failing, you learn how to succeed. Basta kaya ko to. Ako pa? ano bang hindi kaya ni Margarette Munoz? Wala! Lahat kaya ko, pinaglihi kaya ako kay superman, I can beat the odds, I can be impossible as long as I know the Lord is by my side. Mara 5/20/2012 (Source: maramcmthisismystory) 30 day challenge (day 2)
Day 2 (Source: maramcmthisismystory) 30 day challenge (day 1)
DAY 1: (Source: maramcmthisismystory) Coz I’ve been really bored so i’ll be doing this photo challenge i saw in facebook.
(Source: maramcmthisismystory) Dear Sungit,Hoy. We were supposed to have a meeting today sa Beda. Gumising ako ng 6:30, umalis ng 7. Sabi ko naman sayo diba dati? Kayang kaya ko magbihis at maligo in just ten minutes at ayusin lahat in 30 minutes? Kaso nga lang, nung nakasakay na ako ng jeep, biglang nagtext na hindi na tuloy. So I have to go back. Natulog nalang ulit ako at nagising ng tanghalian na. Puro lang ako basa at sulat today. Hay, ewan. Sabi ko sa sarili ko, hindi na ako aasa na babalik ka pa pero ito ako parang martyr, araw araw sumusulat sayo. Di bale, wag ka magaalala, hanggang end nalang siguro to ng May. Nahihirapan na din ako eh. Lalo lang ako nagmumukhang tanga. Sige, matutulog na ako, past 12 na nga eh, actually, 3am na. busy kakasulat ng nobela. Salamat. Mara 5/19/2012 (Source: maramcmthisismystory)
Dear Sungit,Hoy, Maswerte ka ngayong araw na to. Pero mamaya ko na ipapaliwanag sayo. Simulan ko muna sa fact na wala akong tulog, at bumyahe ako ng pagkandaaga-aga para lang makarating ng alas siyete sa San Juan para kumuha ng lisensya. Hayun, buong araw ako dun, ang hirap magisa, hindi mo alam kalian tatawagin yung pangalan mo kaya ambilis kong nagtake out sa Jollibee. Walang kausap and ever pero buti nalang madaldal ako at may nakilala ako na Bedista din pala, babae, kumukuha din ng lisensya. Nakarating ako, 7:30am, natapos 4:00pm na. Yes, as you can see, may lisensya na ako and I can drive alone now. pumunta akong U.P kasama si Frank, kaibigan ko at kaorg ko sa photography group namin. Ito na. we had a date. Photodate. Kinwento ko sa kanya lahat ng nangyari satin and for the first time ever in history na naikwento ko sya ng buo, hindi ako umiyak. Kinwento nya din yung tungkol sa kanila ng ex nya. Nagfood trip kami, lakad ng lakad, picture ng picture kasi nga photographers nga kami diba? Tapos hayun. He explained your side. Hindi ko alam kung yun ba talaga yung dahilan mo pero somehow, I understood. Kinampihan ka nya, he gave reasons and I cant explain them all here pero somehow I understood but that doesn’t stop me from blaming you and still being hurt. Sobrang nagenjoy talaga ako kasi there were Christmas lights! YES!!! Madaming lights and you know how much I love lights right? Well, it just feels good to look at lights. Anyway, I arrived home ten. Everyone were so worried about me since nadead bat ako and no one knows where I am so that’s it. Mara 5/18/2012 (Source: maramcmthisismystory) Dear Sungit,Kumusta? Puro Liempo lang din akong buong araw, nagsusulat ng karugtong. Its hard writing kapag bigla ko nalang maalala how it feels, you know? Kapag hahawakan yung kamay? Kapag titignan? Nabibitter ako pero as a writer, I have to separate my bitterness sa story ko. Saka na siguro sa part na bitter talaga yung character. Medyo makati pa din yung katawan ko pero improving na yun nga lang sumakit ulit sikmura ko. Oo nga pala, punta na akong LTO bukas para kumuha ng lisensya so wish me luck okay? Hay, kumusta ka na kaya? Palapit na ng palapit ang pasukan, dapat nakakamove on na ako pero hindi pa talaga. Ay, may kwento pala ako sayooo! :) kasi naman yung tuta namin, dumumi sa loob ng house, eh hindi pa sya napupurga, alam mo ba andaming bulate na lumabas galing sa kanya, parang pancit sa sobrang haba! Kadiri nga eh. Haha! Yun lang, just saying. Anyway, I have to wake up early tomorrow kasi 7am dapat nasa San Juan branch na ako. Uminom ako ng sedated meds na antihistamine para makatulog ako pero ba’t ganun, 1am na, di pa din ako makatulog? I guess I just have to try it on myself. Salamat. Mara 5/17/2012 (Source: maramcmthisismystory) |
|